HomeCelebritiesEdu Manzano, hindi sasakay ng Cebu Pacific hangga't hindi naalis ang piloto...

Edu Manzano, hindi sasakay ng Cebu Pacific hangga’t hindi naalis ang piloto na nag-post laban kay VP Leni

Hindi nagustuhan ng aktor na si Edu Manzano ang inasal ng isang piloto ng Cebu Pacific na matatandaan na nag-post ng hindi magandang bagay laban kay Vice President Leni Robredo.

Matatandaan na nag-post ang hindi pinangalanan na piloto ng Cebu Pacific kung saan ay humingi diumano ng priority landing si Robredo na naging dahilan ng pagkaantala ng ilang biyahe.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Manzano na hindi siya sasakay sa nasabing airlines hangga’t hindi nadidisiplina ang piloto na gumawa ng kwento laban kay Robredo.

Ayon sa kanya ay kailangang malaman din ng taumbayan kung ano ang kalagayan ng pag-iisip ng nasabing piloto.

Hinding hindi niya rin ipagkakatiwala sa nasabing piloto ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

“I have to agree! What is his state of mind? I will definitely not fly #CebuPAC until they have addressed the issue.” sabi ng aktor.

“More than that you worry about his state of mind. Will never trust my family in his hands.” wika pa niya.

Matatandaan na humingi na ng paumanhin ang Cebu Pacific sa nasabing insidente.

“Since becoming aware of the social media post by one of our pilots in reference to a flight of Vice President Leni Robredo, I confirm that the pilot has made it clear to us that he had no basis for his claim and was purely speculative and careless on his part,” pahayag ni Cebu Pacific Air Flight Operations Vice President Captain Sam Avila.

“Cebu Pacific has very strict social media policies covering all of its employees and such a post should not have been published. This is recognized by the said pilot himself. He is currently under disciplinary review in accordance with our Company rules and standards,” dagdag pa nila.

Humingi rin ito ng kapatawaran kay Robredo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular