Home Celebrities Cristy Fermin binanatan si Frankie Pangilinan: “Wala pong utang na loob ang batang ito”

Cristy Fermin binanatan si Frankie Pangilinan: “Wala pong utang na loob ang batang ito”

0

Hindi nakapagpigil ang kolumnista na si Cristy Fermin na ipaalala kay Frankie Pangilinan kung ano ang nakaraang ng kanyang ina na si Megastar Sharon Cuneta.

Matatandaan na isa sa mga kritiko ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Frankie at sinabi nito na kailanman ay hindi siya papayag na magkaroon siya ng pangulo na ang apelido ay Marcos.

“Really, this election was bought a long, long time ago… I am not going to have my president be named ‘Ferdinand Marcos’ again, ever!” ani Frankie.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kakie (@frankiepangilinan)

Sa programa ni Nay Cristy na “Showbiz, Now na!” tinawag na “walang utang na loob” ng kolumnista si Frankie dahil sa pagbatikos nito sa mga Marcos na kaalyado ng ama ni Sharon na si Mayor Pablo Cuneta.

“Kung babalikan po natin ang kasaysayan ng rehimeng Marcos, tanging si Mayor Cuneta ang hindi natanggal sa kanyang posisyon.” ani Cristy.

“Hindi po niya nabalikan ‘yung nakaraan na si Ka Ambo ay ama ng kanyang ina, ang kanyang ina na si Sharon Cuneta ay anak siya. So ‘pag pinagkawig-kawig po ang impormasyon, lumalabas na wala ng research, wala pang utang na loob itong batang ito,” dagdag niya.

Hindi naman naniniwala si Cristy na dahil kay Sharon kaya’t masama ang diumano ang laging lumalabas sa bibig nito.

“Kinontra ko yun. Sa puso ko, wala naman sigurong magulang na ito-tolerate yung anak kapag mali na ‘yung sinasabi gaya ni Sharon,” sabi pa ng kolumnista.

Wala pang tugon si Frankie sa banat sa kanya ni Cristy.

Facebook Comments