Home Celebrities Beteranong mamamahayag kay Archbishop Soc Villegas: “Alagad ba ito ng Dios o kampon ni Satanas?

Beteranong mamamahayag kay Archbishop Soc Villegas: “Alagad ba ito ng Dios o kampon ni Satanas?

0

Binatikos ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas dahil sa mga patama nito laban sa mga “online” trolls.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Villegas na ginagawang hanapbuhay ng ibang tao ang pagsisinungaling na tinawag niyang “evil”.

“Kung ikaw ay nagsisinungaling at ginawa mong hanap-buhay at ang purpose mo ay hindi lamang kumita kundi para lalong magaling ang tao, lalong mapoot ang tao, lalong magkawatak-watak ang tao, lalong ma-mislead ang tao, wala akong ibang salita sayo kundi ‘evil’.” sabi ni Villegas.

Hindi naman napigilan ni Sonza na batikusin ang naging pahayag ni Villegas.

“SERYOSONG TANONG PO ITO NG ISANG MANANAMPALATAYA SA GAWAING KRISTIYANO? Ito bang mamang ito ay talagang alagad ng Dios o kampon ni Satanas sa lupa?” tanong ni Sonza sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

“Bakit palaging wala sa hulog iyong mga pahayag niya sa mga mananampalataya alinsunod sa mga pamantayan salig sa nasusulat sa Bibliya? Why is the Roman Catholic Church allowing such a despicable attitude, decorum and evil-laden preaching? Pakilasa ko nga mas demonyo pa sa demonyo kung mangusap areng obispong ito.” dagdag niya pa.

Hinihintay ni Sonza kung gagawan nga ba ng aksyon ng CBCP ang mga sinasabi ni Villegas.

Wala pang tugon si Villegas sa banat sa kanya ni Sonza.

Matatandaan na kahit si presumptive vice president Sara Duterte ay hindi napigilan na batikusin noon ang arsobispo dahil sa matatalim nitong salita laban sa kasalukuyang administrasyon.

READ MORE: Open letter ni Inday Sara Duterte kay Socrates Villegas: “You are worse than a hundred President Dutertes”

Facebook Comments