Home Celebrities Project Nightfall, humingi ng tawad sa video niya tungkol kay BBM: “I take is as a lesson”

Project Nightfall, humingi ng tawad sa video niya tungkol kay BBM: “I take is as a lesson”

0

Humingi ng paumanhin sa kanyang mga Filipino fans ang content creator na si Agot Hare o mas kilala bilang ‘Project Nightfall’ dahil sa kanyang video tungkol sa pagkapanalo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa eleksyon.

Matatandaan na hindi nagustuhan ng mga netizens ang nasabing video na may titulong “Why the Philippines chose a dictator’s son as president,” dahil tila ay sinisiraan ng banyaga ang naging desisyon ng mga Pilipino na ihalal si Marcos.

Sa kanyang Facebook page, inamin ni Hare na ‘clickbaity’ ang naging title ng kanyang video kaya naman maraming netizen ang diumano’y inakala na may pinapanigan siya sa kanyang video.

“I’m especially disappointed with the title we chose for this video, it was clickbaity and we should’ve avoided that so people actually focus on the video and not on the ‘headline’. I take it as a lesson moving forward. That is why I apologize,” ani Hare.

Ngunit ayon sa kanya ay hindi naman tama na umabot sa punto na pagbantaan na siya dahil sa kanyang video.

“This was simply a video that showed two sides of Filipino opinions, not mine,” sabi pa niya.

Facebook post mula kay Project Nightfall

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa paghingi ng tawad ni Hare.

“If you are a foreigner never talk about filipino politics,” sabi ni Melchizedek Medes.]

“Its just your video is one sided we feel that you think 31m votes are trolls. I watch it from start and finish it the normal way I watch your videos. This is the result of you questioning the result of our election. Maybe focus on other story and please dont be one sided,” payo naman ni Antonette Dela Cruz.

Isang vlogger din ang nagbigay ng reaksyon niya tungkol sa ginawa ni Hare.

Matatandaan na noon pa lamang ay inakusahan na si Hare at ang kasamahan nito na si Nas Daily ng ‘pinoy baiting’ o ‘yung pag gamit sa mga Pilipino upang makakuha ng mas maraming views sa social media.

Nitong nakaraang taon ay binansagan ang mga Pilipino bilang pinakamadaming oras na ginugugol sa social media kaya naman hindi maiwasan ng mga banyaga na kunin ang atensyon ng mga netizens sa Pilipinas.

Facebook Comments