Home Celebrities Pokwang at Andrew E, aksidenteng nagkita sa Boracay matapos ang eleksyon

Pokwang at Andrew E, aksidenteng nagkita sa Boracay matapos ang eleksyon

0

Ikinagulat ng mga netizens ang post ng komedyanteng si Marietta Subong o mas kilala bilang ‘Pokwang’ kung saan ay makikita na kasama niya ang Filipino hip-hop icon na si Andrew E.

Matatandaan na magkaiba ang kandidato na sinuportahan ni Pokwang at Andrew E.

Si Pokwang ay naging matinding tagasuporta ni Vice President Leni Robredo habang si Andrew E. naman ay aktibong nag-perform sa mga rally ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon naman kay Pokwang ay respeto ang nanaig ng sila’y aksidenteng magkita ng rapper sa Two Seasons Hotel & Resorts sa Boracay.

“Sa bandang huli, respect 🙏🏼 dito sa @twoseasonsphilippines naganap ang mapayapang gabi with @andrewe_dongalo nagkataon, nagkita kasama ang mga pamilya,” ani Pokwang.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang naging pakikitungo ni Pokwang kay Andrew E.

“That’s why I admire you so much po @itspokwang27 . Mahal kita.We might have different colors but we are all children of God,” sabi ni netizen @bing_pagente.

“Let it be a good example to others. Magkababayan pa din tayo in the end. Lets just all pray for a better Philippines.” komento ni @ethelguarin.

“Dapat ganyan naman talaga unity and respect is very important thank you mama@pokwang,” wika ni @gorgeusbaluga.

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Matatandaan na ilang beses binanatan ni Pokwang ang mga tagasuporta ni Marcos sa social media.

Sinabi rin nito na habang siya ay libreng nangangampanya para kay Robredo ay tumatanggap naman ng bayad ang ilang artista sa ibang kandidato.

Hindi naman niya sinabi kung ang mga artista bang nagpe-perform sa rally ni Marcos ang pinapatamaan niya.

Facebook Comments