Home Netizen's Voice Victory party diumano ni Bongbong Marcos sa Amanpulo, posibleng fake news

Victory party diumano ni Bongbong Marcos sa Amanpulo, posibleng fake news

0

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan parin sa social media ang diumano’y victory party ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gaganapin sa isang mamahaling resort sa Palawan.

Matatandaan na viral sa social media ngayon ang Amanpulo Resort, hindi lamang dahil sa presyo ng ibinebenta nilang turon kundi sa diumano’y gaganapin na party ng mga Marcos dito.

Nag umpisa ang isyu matapos ibahagi ng isang mamamahayag ang diumano’y pag arkila ni Marcos sa buong isla ng Amanpulo para sa kanyang mga nakasama sa kampanya.

“BBM has booked the whole island of Amanpulo fod his victory party. The days of Imeldific yore and opulence is back.” sabi ng kolumnista ng BusinessMirror na si Val Villanueva.

Ito rin ang ibinahagi ng Twitter user na si Audie Gemora (@gemoraaudie) kung saan sinabi niya na ginamit daw ni Marcos ang pondo ng bayan para arkilahin ang buong isla ng Amanpulo.

Ngunit hanggang ngayon ay wala paring makitang pruweba kung totoo nga ba ang nasabing victory party.

“Claims of a buyout and victory party at Amanpulo are false. Verified and confirmed. We need to stop misinformation and disinformation from spreading regardless of which political candidate you support.” sabi ni Katrina Razon.

Sa ngayon ay wala paring pahayag ang kampo ni Marcos kung totoo nga ba ang nasabing balita.

Ayon sa ilang website ay nagkakahalaga ng P60,300 hanggang P95,000 kada gabi ang mga ‘Casita’ sa Amanpulo habang P160,800 hanggang P397,140 naman kung ang inyong tutuluyan sa nasabing isla ay Villa.

Nagkakahalaga naman ng P24,877 kada isa ang flight papunta sa nasabing isla.

Ilan sa mga kilalang celebrities na nakapunta sa Amanpulo ay sila Vice Ganda, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

 

Facebook Comments