Home Social Media Universidad de Manila hinimok ang kanilang mga estudyante na huwag makilahok sa mga rally

Universidad de Manila hinimok ang kanilang mga estudyante na huwag makilahok sa mga rally

0

Binalaan ng Universidad de Manila (UdM) ang kanilang mga estudyante tungkol sa pagsali sa mga student walkouts para makasali sa mga rally laban sa resulta ng halalan kung saan nanalo si presumptive president  “Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanilang inilabas na pahayag, ibinahagi ng UdM ang parte ng kanilang manual kung saan ay pinagbabawalan ang mga estudyante na makilahok sa mga aktibidad na may kinalaman sa “insurgency” o pagre-rebelde.

“Any meetings/activities which partakes of the nature of subversion or insurgency, or which is deemed to be unlawful under existing laws or rules and regulations of the University is strictly prohibited. The members, as well as the officers of any organization if warranted by the circumtances of each case, shall be referred to proper governjment authorities for approriate action,” ayon sa UdM.

Pinaalalahanan din ng unibersidad ang kanilang mga estudyante na unahin ang kanilang obligasyon bilang mag-aaral imbis na mag-walkout sa mga klase nila.

“The undersigned hereby reminds UdM students of their obligations, duties and responsibilities while they are enrolled in this University. Any student who will participate in any case to said “walk out” will be subjected to disciplinary actions in accordance to the Student Manual,” sabi pa ni Voltaire L. Perales, Dean ng UdM.

Matatandaan na ilang grupo ng mga estudyante mula sa iba’t ibang eskwelahan kasama na ang University of the Philippines (UP) ang nagsagawa ng malawakang protesta laban sa resulta ng halalan.

Binatikos naman ito ng mga netizens at sinabi na sana’y unahin na lamang ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral para hindi masayang ang pinagpaguran ng kanilang mga magulang.

Facebook Comments