Home Celebrities Sharon Cuneta may hiling sa mga netizens: “Respeto, pagmamahal at pag unawa”

Sharon Cuneta may hiling sa mga netizens: “Respeto, pagmamahal at pag unawa”

0

May hiling si Megastar Sharon Cuneta sa mga netizens ngayong tapos na ang eleksyon 2022.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Sharon ang kanyang maikling mensahe ngayong tapos na ang kanyang pangangampanya para sa asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan na bigong manalo ngayong halalan.

“RESPETO PAGMAMAHAL AT.. PAG UNAWA. yun lang sana. (red heart emoji)” ani Sharon.

Ilang netizens naman ang hindi mapigilan na magbigay ng komento.

Isang netizen ang pinaalalahanan pa si Sharon na dapat ay sabihin niya ang kanyang mensahe sa anak niyang si Frankie Pangilinan na matatandaang binabatikos ang naging resulta ng halalan.

“Ate shawie, sabihin mo yan sa anak mong si Kakie,” sabi ng netizen.

“Bago ka dumungaw sa kapitbahay, tingnan mo muna yung sarili mong bakuran. Mukang di ka kasi aware na nakalabas yung anak mo at nagpoprotesta sa kalsada.” sabi pa ng isang nakabasa ng social media post ni Sharon.

READ MORE: The great Der Klassiker

“Naman Tita Shawie. Review your past posts, sana you apply it to you too. Sa true lang when you were posting about your exes I don’t think you even considered if it was respectful to your husband or sa mga misis ng naging ex mo. Sana you learned your lesson na din.” komento pa ng isa.

Matatandaan na hindi nakatakas sa pambabatikos si Sharon dahil narin sa kanyang pangangampanya sa asawa niyang si Kiko at sa kanyang mga nasabi noon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at Sara Duterte.

Ngayong tapos na ang halalan ay hindi pa malaman kung ano ang magiging susunod na hakbang ni Sharon at ng kanyang asawa na sinabing isang beses lamang tatakbo bilang bise presidente.

Facebook Comments