Home Celebrities Raffy Tulfo, naiintindihan kung bakit umiiwas sa media: “Bugbog na bugbog na siya”

Raffy Tulfo, naiintindihan kung bakit umiiwas sa media: “Bugbog na bugbog na siya”

0

Naiintindihan ni incoming senator Raffy Tulfo kung bakit umiiwas si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga panayam sa kanya ng media.

Sa panayam sa kanya ng Sonshine Media Network International (SMNI) sinabi ni Tulfo na isa ring mamamahayag na tila ayaw na lamang ni Marcos na makarinig ng mga negatibong tanong tungkol sa kanya.

Matatandaan na sa loob ng ilang dekada ay nakatanggap ng patong patong na akusasyon si Marcos at ang kanyang pamilya.

Tingin ni Tulfo ay hinahanapan lamang si Marcos ng ilang reporter ng maibabato sa kanya kaya naman nagdesisyon na lamang ang susunod na pangulo na maging mapili nalang sa pagpapaunlak ng panayam.

“Sa tingin ko, si BBM umiiwas siya dahil ayaw na niyang pakinggan ‘yung mga katanungan na naka-focus lang against him.” ani Tulfo.

READ MORE: The great Der Klassiker

“Sa nakikita ko lang lately, parang bugbog na bugbog na siya-hindi lang sa bashers niya kundi sa iba’t ibang media outlets, na parang palagi na lang siyang dinidiin, hinahanapan siya ng butas, ng mga kamalian,” dagdag niya pa.

Mayroon pa naman daw mga outlets na pumapayag si Marcos na magpa-interview kasama na ang SMNI.

“Meron siyang interviews sa ibang media outlets na sa tingin niya ay hindi magiging biased sa kanya, tulad ng SMNI. Because he was given a fair chance to answer questions pertaining doon sa mga bagay-bagay na gusto niyang malaman sa taumbayan,” sabi pa ni Tulfo.

Naging mailap nitong kampanya si Marcos sa media at kahit sa mga debate ay naging mapili ito sa dadaluhan.

Pinaliwanag naman ng kampo ng susunod na pangulo na gusto na lamang nilang paglaanan ng oras ang pakikipagusap sa publiko imbis na tumanggap ng panayam.

Facebook Comments