Hindi na naitago ng komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang ‘Pokwang’ ang sama ng loob niya sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan na tagasuporta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa kanyang Facebook post, sinisingil na ni Pokwang ang mga nangutang sa kanya na tagasuporta ng nanalo sa pagkapangulo.
Matatandaan na si Leni Robredo ang sinuportahan ni Pokwang at naging aktibo pa ito sa pakikipagtalo sa social media maikampanya lang ang kandidato niya.\
Hindi naman pinangalanan ni Pokwang ang mga kamag-anak niya at kaibigan na binabangit niya sa kanyang post.
“Ok tapos na eleksyon tanggap tanggap narin ganon talaga… pero sana yung mga bmm na kamag anak at friends na nangutang sakin bayad bayad narin ha ok? tapos na mga pinaglalaban natin pare parehong nagsalita ng di maganda sa mga kandidato natin kaya wag magmalinis ha,” sabi ni Pokwang
Ok tapos na eleksyon tanggap tanggap narin ganon talaga… pero sana yung mga bmm na kamag anak at friends na nangutang sakin bayad bayad narin ha ok? tapos na mga pinaglalaban natin pare parehong nagsalita ng di maganda sa mga kandidato natin kaya wag magmalinis ha 👍
— marietta subong (@pokwang27) May 13, 2022
Ilang followers din ni Pokwang ang ibinahagi ang sama ng loob sa kanilang mga kamag-anak na bumoto kay BBM.
“Sa akin idol hinto muna ako padala nila walang remittance muna,nalaman ko nalang nag bbm ang pamilya ko,” sabi ni netizen @MapaladLourdes.
“Same kaya dna muna ako nagpadala ngayon bahala cla pagkasyahin ung mga natanggap nla for 6yrs,” komento naman ni @IvySannadan2.
Same kaya dna muna ako ngoadala ngayin bahala cla pagkasyahin ung mga natanggap nla for 6yrs
— 🌸🌸ivy🌸🌸 (@IvySannadan2) May 13, 2022
“Yun relative ko lagi hingi ng tulong financial sa amin..waley ka na ngayon..dun ka hingi sa gobyerno ngayon na ibinoto mo..ipinagtatanggol muna pa d ba,” tweet naman ni @beauniqu79697857.
yun relative ko lagi hingi ng tulong financial sa amin..waley ka na ngayon..dun ka hingi sa gobyerno ngayon na ibinoto mo..ipinagtatanggol muna pa d ba
— Beunique (@Beuniqu79697857) May 13, 2022