Home Celebrities OPM icon Dong Abay, may banat sa mga nagpalit ng red profile photo: “Sa madaling salita, sold cheap”

OPM icon Dong Abay, may banat sa mga nagpalit ng red profile photo: “Sa madaling salita, sold cheap”

0

Binatikos ni Dong Abay ang mga netizens na pinapalitan ang kanilang profile picture ng kulay pula bilang pagsuporta sa pagkapanalo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na tinawag na “Operation Red Tile” ng mga netizen ang ginagawa nilang pag-iiba ng profile picture.

“”Operation Red Tile” all we need to do is to create a blank Post as in blank, no caption with Red Tile Background until mamula ang Facebook for the whole day. That way they’ll realize na mas marami talaga ang bumoto Kay BBM. Let’s share the idea to other BBM support group. Let’s have 1 Red Facebook day.” ayon sa caption ng ilang gumagamit ng nasabing profile picture.

Sa kanyang tweet, binigyan ng interpretasyon ni Abay ang kulay pula na hanggang ngayon ay ginagamit parin bilang profile picture ng mga tagasuporta ni Marcos.

Ayon sa OPM icon at dating bokalista ng bandang Yano ay maihahalintulad ang kulay pula sa dignidad ng mga gumagamit nito ngayon.

READ MORE: The great Der Klassiker

“RE: ‘Yung profile pic mong red. Sa mga art galleries, kung ang artwork ay red sticker ibig sabihin “sold.” At sa mga malls, supermarkets, shops, ang ibig sabihin ng red dot ay “on sale”, o “bargain price”, sa madaling salita, solid cheap o murang nabili. Dignidad,” ani Abay.

Ilang netizens naman ang pumalag sa sinabing ito ni Abay.

“Sold out na nga kasi maraming bumibili dahil Mura, kesa mamahalin daw Wala namang kwenta Ang quality sa pagkakagawa, God bless Uniteam , kaya sila Ang nananalo, God bless Philippines.” sabi ni Cerina Villanueva.

“Red also is a sign of pure heart,love if you dont have that, you have nothing,” komento naman ni Bhebs Eden.

Facebook Comments