Home Celebrities Nobyo ni Kim Chiu na si Xian Lim, nakasama sa iisang hotel ang aktres na si Barbie Imperial

Nobyo ni Kim Chiu na si Xian Lim, nakasama sa iisang hotel ang aktres na si Barbie Imperial

0

Naging usap-usapan ang post ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental dahil sa nakita ng mga netizens na magkasama sa isang hotel ang aktor na si Xian Lim at aktres na si Barbie Imperial.

Sa nasabing post, pinasalamatan ng Hotel Rosario Mati sila Xian at Barbie dahil sa pagtuloy nila sa nasabing establisyemento.

“Thank you so much, Mr. Xian Lim & Ms. Barbie Imperial for staying at Hotel Rosario Mati,” sabi ng nasabing hotel.

Larawan mula sa Facebook post ng Hotel Rosario Mati

Ilang netizens ang naintriga dahil sa nobya ni Xian ang isa pang pinag-uusapan ngayong aktres na si Kim Chiu na matatandaan na nagbigay ng iba’t ibang komento tungkol sa resulta ng halalan sa mga nakaraan niyang tweet.

READ MORE: Kim Chiu hindi parin makapaniwala sa naging resulta ng halalan: “Parang ginawa tayong bulag. How did it happen?”

Hindi napigilan ng ilan na magbigay ng mga nakakatuwang komento tungkol sa nasabing larawan.

“Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko – Kim Chiu tara kape,” sabi ni netizen Ian Ponferrada.

“Hintayin na lang natin spokesperson ni Kim,” komento naman ni Edison Anog.

READ MORE: The great Der Klassiker

Ngunit may ilan na naging seryoso at ipinagtanggol si Xian at Barbie mula sa mga komento ng netizens.

“They were both invited here in Mati City for political rally/campaign. Wag po issue agad. Kahit di po ako fan ni Kim Chiu as an artist pero her relationship with Xian Lim is one of my fave among showbiz couples.” paliwanag ni Judy Reyes.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Kim tungkol sa nasabing larawan.

Facebook Comments