Home Social Media Motor ng mga pasaway na rider sa Laguna, kinumpiska na ng mga otoridad

Motor ng mga pasaway na rider sa Laguna, kinumpiska na ng mga otoridad

0

Kumpiskado ang mga motorsiklo ng mga rider na sumikat sa social media dahil sa kanilang pagmamaneho kahit na patong patong ang kanilang nilabag na batas trapiko.

Sa ilang larawan na ibinahagi ng Highway Patrol Group (HPG) Laguna, makikita ang mga motor na gamit ng mga rider na makikita sa nasabing viral video.

Umabot ng milyon milyong views sa social media ang nasabing video dahil ang mga rider ay walang helmet, walang soot na sapatos at may nakalagay pang blinker at siren na tila nagpapakita na sila ay VIP sa nasabing lugar.

Sabi ng ilang netizens ay galing sa mga kilalang pamilya ang mga pasaway na rider.

Ayon naman kay HPG Director Gen. Rommel Marbil ay tinanggal na nila ang mga blinker ng nasabing motor.

Nanganganib din na masuspende ang mga lisyensa ng mga rider dahil sa patong patong na paglabag na kanilang ginawa.

Ikinatuwa naman ng mga netizens, kasama na ang mamamahayag na si Kim “Kuya Kim” Atienza sa ginawang pag aksyon ng HPG.

Ang ilan naman ay inaasahan na matatangalan ng lisyensya ang mga rider.

“Kudos? Confiscated lng nman yta aux lights & other accessories. Tawanan lng hpg ng mga yan kng tiket lng at confiscation of accessories lng ang nangyari. SHOULD HAVE LICENSE REVOKED OR DRIVING/LICENSE SUSPENSION for 3-5yrs as a disciplinary action.” sabi ni netizen Christian Noell.

“Dapat dyan tanggalan Ng license mga rich kid daw Kasi Kaya Wala pake sa batas trapiko,” komento ni Elmer Yarte.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mga nasabing rider tungkol sa insidente.

Facebook Comments