Home Celebrities Kris Aquino, hiniling na tigilan na ang pambabatikos sa kanya: “Please don’t punish kuya and Bimb”

Kris Aquino, hiniling na tigilan na ang pambabatikos sa kanya: “Please don’t punish kuya and Bimb”

0

Humingi ng ceasefire ang Queen of all Media na si Kris Aquino sa mga netizens matapos niyang malaman na ang kanyang kasalukuyang karamdaman ay kinokonsidera ng ‘life threatening’ ng kanyang mga doktor.

Sa kanyang Instagram post, mayroon siyang “chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis at vasculitis” at kahit ang mga doktor niya na pinaghalong mga eksperto mula sa America at sa Pilipinas ay nag-aalala na sa kanynag kondisyon.

Ipinakita niya rin sa isang video ang kanyang kondisyon upang patunayan na hindi pa siya nag-aagaw buhay at nakaratay sa ICU katulad ng mga balitang kumakalat sa social media.

“They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest. Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids.” sabi ni Kris.

Hiniling naman niya na sana’y tigilan na ang pambabatikos sa kanya dahil nababasa ito ng kanyang anak na si Josh at Bimby.

“Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak nyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin.” sabi ni Kris.

“Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish kuya & bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan.” dagdag niya pa.

 

Matatandaan na huling nakita sa publiko si Kris nitong Marso 23 sa Tarlac kung saan ay binatikos niya si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at alkalde ng Tarlac na si Cristy Angeles.

Facebook Comments