Home Celebrities Veronica Duterte, kukunin na nga ba ni Miss Glenda na endorser ng kanyang brand?

Veronica Duterte, kukunin na nga ba ni Miss Glenda na endorser ng kanyang brand?

0

Tila excited na ang mga netizens kung matutupad nga ba ang kanilang request sa CEO ng Brilliant Skin Essentials na si Glenda Dela Cruz na kunin si presidential daughter Veronica “Kitty” Duterte.

Sa kanyang mga Facebook post, tila nagpahiwatig na si Miss Glenda tungkol sa posible niyang pagkuha kay Kitty bilang celebrity endorser ng kanyang sikat na beauty brand.

“Sabi ko nga mahalaga ang opinyon ng majority ng aming mga seller at buyer… Lahat kayo nirerespeto ko kaya naman agad-agad, #photoshoot later with???” sabi ni Miss Glenda sa kanyang Facebook post.

Sumagot naman dito ang isa sa mga kamag-anak ni Kitty na si Maria Fema Duterte sa post ni Glenda at sinabi na ang presidential daughter ang kanyang pinapahula sa mga netizens.

Tugon naman ni Glenda: “Tita ginalaw mo na ang baso”.

Screencap ng pag-uusap sa pagitan ni Duterte at Dela Cruz

Ibinahagi din nito ang kanyang plano para sa susunod na magiging endorser ng kanyang produkto.

Madami naman ang umaasa na si Kitty nga ang kasama ngayon ni Miss Glenda para sa nasabing photoshoot.

Matatandaan na gusto ng ilang netizens na maalis ang aktres na si Andrea Brillantes bilang endorser ng nasabing beauty prouduct at palitan na lamang siya ni Kitty.

READ MORE: Kitty Duterte, hinihimok na maging kapalit ni Andrea Brillantes bilang endorser sa isang beauty brand

Tugon naman ng negosyante, hindi naman imposible na kunin niya si Kitty bilang endorser.

“Sige, kung makukuha natin si Veronica Duterte, why not?” aniya.

Facebook Comments