Home Celebrities Sen. Manny Pacquiao, sinisingil dahil sa mga hindi nabayarang poll watchers sa Iloilo: “Pareho tayo na budol-budol’

Sen. Manny Pacquiao, sinisingil dahil sa mga hindi nabayarang poll watchers sa Iloilo: “Pareho tayo na budol-budol’

0

Ibinunyag ni Iloilo City councilor-elect Plaridel Nava na hindi pa nababayaran ni Sen. Manny Pacquiao ang pinangako nitong pondo para sa mga poll watchers sa Region VI.

Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag ni Nava sa mga naniningil sa kanya na hindi pa nagbibigay ng pondo si Pacquiao sa kanila na matatandaang tumakbo sa pagkapangulo sa ilalim ng Promdi Party.

Ayon kay Nava ay nabiktima sila ng “budol” matapos mangako si Pacquiao na maglalaan ng pondo para sa mga watchers ng mga politiko na tumatakbo sa ilalim ng Promdi.

Wag din daw sanang isipin na kinupit na nila ang pangakong pera ni Pacquiao.

“Pacquiao did not send us a single centavo. That’s the truth. Please disabuse your minds. I understand that when Pacquiao came here in Iloilo City, he made a promise to all candidates in Region VI under Promdi Party that he would provide funds for watchers, legal team and “sa mga tao ninyo,” kwento ni Nava.

“The funds never came. So don’t ever thing that Atty. Dan [Cartagena] and I pocketed anything from Pacquiao,” dagdag niya pa.

Ayon pa kay Nava ay hindi na sinasagot ni Pacquiao ang mga tawag sa kanya.

Ibinunyag nito na nag-abono pa siya para mabigyan ng watchers ang pambansang kamao sa Region VI.

“Pacquiao still owes me money for the watchers that I have organized and paid for him. And he is not answering my calls and text messages anymore.” sabi pa niya.

“Pareho lang tayo, na budol-budol” 

Sa ngayon ay wala pang sagot ang pambansang kamao sa akusasyon sa kanya.

Pumangatlo lamang si Pacquiao sa nakaraang halalan at nakakuha ng 3,629,805 na boto.

Facebook Comments