Home Social Media Rowena Guanzon, nakaranas ng ‘cancel’ mula sa mga Kakampinks matapos ang meeting kay Marcos at Romualdez

Rowena Guanzon, nakaranas ng ‘cancel’ mula sa mga Kakampinks matapos ang meeting kay Marcos at Romualdez

0

Inulan ng batikos sa social media si dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner at incoming P3PWD party-list Rep. Rowena Guanzon.

Ito’y dahil sa tila magandang pagtrato ni Guanzon kay incoming Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez.

Time to unfollow the Trojan horse Rowena Guanzon. It appears that she fooled many of us.” ani @chingjongyu1.

“Sana pala Kabataan PL na lang binoto kong partylist, I hate to see Guanzon talking and shaking hands to forces of evil and kleptocrat (I do mean Marcos-Romualdez et al.),” sambit naman ni @azi_ether.

“Kung payagan mo ako na mag payo sayo Maam Guanzon,Ang maipapayo ko sayo huwag kang magpa bola,mag pauto sa mga marcos.Tuso sila. Huwag ka padala sa mga pagbati bati nila,” wika ni @okeylang100.

Ipinaliwanag naman ni Guanzon kung bakit tila maganda ang kanyang pakikisama sa mga Marcos na kanyang inulan ng batikos noong kampanya at sa mga Romualdez.

Ayon sa kanya ay kailangan niya ring makisama sa mga kasamahan niya sa kongreso upang matupad ang kanyang adhikain para sa mga PWD.

“Mga nak, wala tayong mapapasang batas and budget para sa mga pwd kung hindi tayo magtatrabaho with them.” ani Guanzon.

“Hindi pwedeng kontra lang ng kontra, suportahan natin ang magagandang programa pero hindi magdadalawang isip na batikusin ang mali. Wala akong utang na loob sa kanila, kayo ang nagluklok sa akin dito,” dagdag niya pa.

Nilinaw niya din na hindi niya babawiin ang mga sinabi niya laban kay presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Facebook Comments