Home Celebrities Management ni Andrea Brillantes posibleng kasuhan ang mga netizens na nagpapakalat ng pekeng tweets nito

Management ni Andrea Brillantes posibleng kasuhan ang mga netizens na nagpapakalat ng pekeng tweets nito

0

Pumalag ang artist management na Becky Aguila sa mga kumakalat na pekeng tweet tungkol kay Andrea Brillantes at kay presidential daughter Veronica “Kitty” Duterte.

Matatandaan na kumalat sa social media ang diumano’y palitan ng mensahe sa pagitan ni Andrea at Kitty matapos ang halalan.

Ilan sa mga tweet ay nagkaroon pa ng libo libong shares sa social media kahit na hindi pa alam ng mga netizens kung totoo ito.

Dahil sa nangyari ay may ilang netizens ang hinimok ang isang beauty brand na alisinna si Andrea bilang kanilang endorser at ipalita na lamang si Kitty.

READ MORE: Kitty Duterte, hinihimok na maging kapalit ni Andrea Brillantes bilang endorser sa isang beauty brand

HALIMBAWA NG PEKENG TWEET NI ANDREA NA KUMAKALAT NGAYON SA SOCIAL MEDIA

Ayon sa Becky Aguila ay hindi totoo ang mga kumakalat na tweets tungkol kay Andrea at Kitty.

Nagbabala din sila na maaring makasuhan ang mga netizens na patuloy na nagpapakalat ng mga pekeng tweets ng kanilang alaga.

“May kumakalat na mga malisyosong tweets diumano mula sa aming artistang si Andrea Brillantes ngayon sa social media. Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay edited o peke.” sabi ng management.

“Nananawagan kami sa publiko na mas maging mapanuri lalo na sa pag-share nito sa kani-kanilang mga accounts. Pinaaalalahanan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng cyber libel at may karampatang parusa. Mabusisi itong minomonitor ngayon ng aming legal team para sa kinauukulang aksyon.” dagdag pa nila.

Matatandaan na inuulan ngayon ng batikos si Andrea dahil sa kanyang mga mensahe matapos ang halalan.

Facebook Comments