Home Celebrities Kim Chiu hindi parin makapaniwala sa naging resulta ng halalan: “Parang ginawa tayong bulag. How did it happen?”

Kim Chiu hindi parin makapaniwala sa naging resulta ng halalan: “Parang ginawa tayong bulag. How did it happen?”

0

Tila hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala ang aktres na si Kim Chiu sa naging resulta ng halalan kung saan natambakan ng mahigit 16,000,000 na boto ang kanyang pambato na si Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Instagram story, tila binanggit ni Kim ang mga nangyaring anomalya nitong halalan kung saan itinanghal na panalo si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Still I cannot believe how did it happen. I’m sure all of you saw the videos and pictures and news about what happened on the election day. Yet. Parang ginagawa tayong bulag,” ani Kim.

“How did it happen? Why is this happening? How did we let it happen? Do we even deserve this?” dagdag niya pa.

Nagbigay din ito ng kanyang mensahe para kay Robredo.

“I am with you ma’am. We are all with you. I know you are tired, tao lang po kayo. ang dami nang tumatakbo sa isip nyo yet you are not giving up for all of us. Yung pag asa at lakas ng loob na binibigay nyo sa amin. Sobra po. Napaka strong nyo po. Mahal namin kayo maam. Proud kaming tumindig para sayo at para sa pag-asa na makakamtan sana ng Pilipinas,” sabi ng aktres.

Matatandaan na ilang iregularidad ang nai-report sa Commission on Elections (COMELEC) noong halalan.

Mayroon ding mga nasirang vote-counting machines (VCMs) na naging dahilan upang maantala ang halalan sa ilang lugar sa bansa.

Ilang netizens ang nagdududa sa malaking pagkatambak ni Robredo.

Ngunit ayon sa COMELEC ay mahirap patunayan na nagkaroon ng dayaan ngayong halalan.

“Mahirap i-prove ‘yan kapag sinabi mong may cheating with regards to that percentage. Unang-una, ‘yung system natin dumaan ‘yan sa ating certification,” he explained. “So meron tayong local source code review. How can you insert such percentage na ipanalo mo ‘yung kandidato mo or matalo ‘yung kandidato mo?” sabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo.

 

Facebook Comments