Home Celebrities Angel Locsin sa mga netizens: “We should honor democracy and listen to the majority”

Angel Locsin sa mga netizens: “We should honor democracy and listen to the majority”

0

Positibo ang naging mensahe ni Angel Locsin para sa mga netizens matapos ang kanyang pagdalo sa thanksgiving event nila Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan na ginanap nitong Mayo 14, sa Ateneo de Manila University.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Angel si Robredo na tinanggap na diumano ang kanyang pagkatalo kay presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa kanya ay dapat naman talagang i-respeto ang naging desisyon ng nakararami nitong nakaraang halalan.

Sana lamang daw ay mali ang akala niya sa mga nahalal ngayong eleksyon at sila’y maging isang mabuting lider.

“Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority—bilang ka isang bansa.” ani Angel.

“For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president, & senators. I’m hoping they’ll do better than our past leaders 🙏🏻 I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong. Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo.” dagdag niya pa.

Pinasalamatan niya naman ang mga tagasuporta ni Robredo at ipinagdasal niya na hindi mapuno ng “dilim” ang kanilang mga puso.

“Despite everything, Saludo sa lahat ng tumindig 🙌🏻 Hindi ko makakalimutan ang pagmamahal sa bayan na pinakita ninyo. Huwag hayaang mabalutan ng dilim ang liwanag na nasa puso ninyo. Ngayon, higit pa man, mas kailangan kayo ng bayan. Buksan ang inyong mga mata at puso para sa bayan.” sabi pa ng aktres.

 

Isa si Angel sa mga pinaka aktibong celebrity supporters ni Robredo na kasalukuyang nasa Amerika ngayon upang bigyan ng panahon ang kanyang pamilya.

Facebook Comments