Home Social Media Sandro Marcos at Rowena Guanzon, nagtagpo sa caucus ng partylist coalition

Sandro Marcos at Rowena Guanzon, nagtagpo sa caucus ng partylist coalition

0

Ikinagulat ng mga netizens ang pagkikita sa pagitan ni incoming Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at ni dating Commission on Elections (COMELEC) commissioner at ngayon ay incoming P3PWD Party-list Rep. Rowena Guanzon.

Nagkita ang dalawa sa caucus ng mga partylist coalition sa Makati kung saan ay inendorso nila si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang susunod na House Speaker.

Makikita na hindi naman nagkaroon ng tensyon ng magkita ang dalawa at nagkamayan pa nga ito.

Hinangaan naman ng mga netizens ang ginawang pagpapakita ng paggalang ni Marcos kay Guanzon na matatandaan na naging aktibong kritiko ng ama niya na si incoming president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na madalas pasaringan ni Guanzon ang susunod na pangulo. tungkol sa “coke” at “pagngiwi” nito na diumano’y sintomas ng paggamit ng bawal na gamot.

“Pagpupugay sa iyong magulang ¬†@sandromarcos7¬†dahil pinalaki kang may Respeto at pagpapakumbaba sa kabila ng mga batikos ni Mrs Guanzon sa iyong ama,” ani @joycema21045085.

“Ganyan ang mga marcos ma respeto kahit na binabatikos sila ng mga kalaban,” sabi naman ni @alterbottom35.

“In this world full of Kakie, Andrea, etc. There’s a kind and well-mannered kid named Sandro Marcos.” komento naman ni IAintTisoy.

Wala pang komento si Guanzon tungkol sa pagkikita nila ni Marcos.

Facebook Comments