Home Social Media Sal Panelo, kukuning legislative assistant at adviser ni Robin Padilla sa kanyang opisina sa senado

Sal Panelo, kukuning legislative assistant at adviser ni Robin Padilla sa kanyang opisina sa senado

0

Sinupresa ng nangungunang kandidato sa pagkasenador na si Robin Padilla ang mga netizens matapos niyang i-anunsyo ang pagiging parte ni Atty. Salvador Panelo ng kanyang magiging opisina sa senado.

Sa kanyang post nitong Mayo 13, sinabi ni Padilla na magiging legislative assistant, adviser, at mentor niya si Panelo na bigong makakuha ng upuan sa senado.

“Kailangan ko ng pambato sa usapin ng batas pagdating sa senado Ang pagpapalit ng saligang batas ay hindi magiging madali sapagkat ang babanggain nito ay ang kasalukuyang naghaharing mga oligarko nakakubli sa 1987 constitution,” ani Padilla.

“Hindi man kami nagtagumpay ni idol Salvador Panelo na maging magkasama sa senado. Isa lang ang sinigurado namin dalawa. Walang mababago sa aming adhikaing pagbabago. Walang makakapigil sa rebolusyon. Si SALVADOR PANELO ang aking legislative consultant, adviser at mentor. Walang tatalo kay Sal “Panalo” Panelo!” dagdag niya pa.

Tinanggap naman ni Panelo ang alok sa kanya ng aktor.

Ayon sa abogado ay parang nanalo narin siya matapos siyang kunin ni Padilla.

“Maraming salamat Sen. Robin Padilla! Isang karangalan na patuloy na maglingkod sa bayan bilang katuwang mo na pinagkatiwalaan ng 26 milyong Pilipino! Makaasa ka na ibubuhos ko ang aking sarili para tulungan kang palitan ang Saligang Batas para wakasan na ang bulok na sistema na bumibilanggo sa ating bansa.” wika ni Panelo na naging presidential spokesperson at chief legal adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Marami ding salamat sa pangako mo na pagsulong sa mga panukalang batas para sa children with special needs/ disabilities. Dahil dyan ay parang nanalo na din ako!” dagdag niya pa.

panalo panelo

Pinuri naman ng libo libong netizens si Padilla sa kanyang naging desisyon.

“A very wise and intelligent move that Robin Padilla did..This just showed that the man is really responsible and sincere to serve his countrymen..” ani Evangeline Reyes.

“Nice tandem and good move Sen Robin, salamat binigyan you po ng job c Sir Panelo as your adviser.. . I voted him un lng d nkapasok sa magic 12. Good luck both of you!” komento naman ni Emma Luna.

Facebook Comments