Home Celebrities Michael V. may tula tungkol sa eleksyon: “Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito.”

Michael V. may tula tungkol sa eleksyon: “Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito.”

0

Viral sa social media ngayon ang tula na likha ng komedyante na si Michael V. tungkol sa resulta ng halalan 2022.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Bitoy ang kanyang painting na sinamahan niya pa ng isang tula.

Inamin niya sa kanyang tula na ang kanyang sinuportahan ay si Vice President Leni Robredo ngunit mas pinili niya na tanggapin na lamang ang resulta ng halalan kung saan naluklok si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinagot din ni Bitoy ang mga humihimok sa kanya na pumasok sa politika at sinabi na hindi niya ito pinangarap.

Sinabi rin nito na susundin niya ang gobyerno at igagalang ito.

Hinimok din ng komedyante ang mga netizens na mag “move on” na sa resulta ng halalan.

Eto ang tula na ibinahagi niya sa Instagram:

Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito.
Kahit PINK ang dugo ko mananaig ang RESPETO.
Lahat kayo na bumoto at nagluklok sa kanya sa trono
Kayo ang boses ng Pilipino kaya mananahimik na ‘ko.

Hindi politiko kundi hamak na artista.
Larawan at tula; ‘yan lang ang hawak kong sandata.
Wala akong ambisyon na mamulitika.
Baka manalo lang ako, hala, naloko na!

“Comedy at entertainment” hanggang do’n lang ang ambisyon.
Hindi “puwesto sa gobyerno” kundi “time slot sa telebisyon”.
Ito ang mundo ko sa mahigit tatlumpung taon
At wala ‘kong dahilan na baguhin ‘yon ngayon.

Lahat ng may gusto nito, ito mismo ang makukuha n’yo.
Pero hindi ako bulag at dalawa ang mata ko:
Isang mata sa bayan at isang mata sa ‘yo.
Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto.

Sige na, move on na. ‘Wag nang maghanap ng butas.
Ang trabaho n’yong naiwan naghihintay pa rin ‘yan bukas.
Ngayon alam na natin kung sino lang ang malakas,
Mabuhay ang bagong Pangulo ng Pilipinas.
🇵🇭✊🏼

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 30,000 likes ang nasabing post.

Facebook Comments