Home Celebrities Kitty Duterte, hinihimok na maging kapalit ni Andrea Brillantes bilang endorser sa isang beauty brand

Kitty Duterte, hinihimok na maging kapalit ni Andrea Brillantes bilang endorser sa isang beauty brand

0

Hinimok ng mga netizens ang CEO ng Brillant Skin na si Glenda Dela Cruz na palitan na ang kanilang endorser na si Andrea Brillantes.

Sa kanyang Facebook page, inulan ng request si Miss Glenda mula sa mga gigil na gigil na netizens kay Andrea.

Sana daw ay tanggalin na si Andrea na matatandaang hinanap ang “utak” ng mga botante matapos matambakan ang manok niya na si Vice President Leni Robredo ng mahigit 16-M na boto ng katunggali nito na si presumtive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang gusto daw ng mga netizens na maging kapalit ni Andrea ay ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte.

Nagbigay naman ng tugon si Miss Glenda at sinabi na tatanggapin niya kung sakali na interesado si Veronica na maging parte ng Brillant Skin family.

“Sige, kung makukuha natin si Veronica Duterte, why not?” ani Miss Glenda.

Screencap mula sa post ni Glenda Dela Cruz

Inulan naman ng positibong reaksyon sa social media ang tugon ng CEO.

“Go Madam. Kunin na si Kitty Duterte. Bibili ako nang maraming Brilliant,” ani Grace Miaj.

“Push Ms. Glenda! She’s a lot better and prettier than Pambansang “joke it” na si Andrea,” sabi naman ni Janine Duldulao.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Kitty na kamakailan lang ay nag reklamo sa pagkalat ng mga fake accounts niya.

Sa kanyang Instagram story ay hinimok ng presidential daughter ang mga followers niya na i-report ang mga pekeng account niya sa social media.

Ayon sa kanya ay tanging Instagram lamang ang ginagamit niya ngayong social media platform.

Screencap mula sa Instagram story ni Kitty Duterte (@veronicaduterte)

Excited naman ang mga netizens sa magiging tugon ni Kitty kay Miss Glenda.

Facebook Comments