Home Social Media Mga posibleng Cabinet members sa ilalim ng Marcos Administration, kumalat sa social media

Mga posibleng Cabinet members sa ilalim ng Marcos Administration, kumalat sa social media

0

Kumalat sa social media ang mga listahan ng posibleng maging parte ng gabinete ng administrasyon ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa inilabas na larawan ng Rising Philippines Facebook page, makikita ang larawan na kuha diumano sa meeting ng kampo ni Marcos kung saan ipinakita ang larawan ng mga pinagpipilian nilang maging kalihim ng iba’t ibang departamento ng gobyerno.

Ilan sa mga kilalang pangalan ay sina Rep. Rodante Marcoleta bilang Justice Secretary, Professor Clarita Carlos bilang Foreign Affairs Secretary, Mike Arroyo bilang Energy Secretary at Dr. Edsel Salvana para sa Department of Health (DOH).

Posible namang manatili si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade sa ilalim ng Marcos administration.

Ito ang buong listahan na inilabas ng Rising Philippines.

Education: VP SARA DUTERTE
ENERGY: MIKEE ARROYO
EXECUTIVE SECRETARY: ATTY. VIC RODRIGUEZ
FINANCE: SEC. CESAR PURISIMA
FOREIGN AFFAIRS: PROF CLARITA CARLOS
HEALTH: DR. EDSEL SALVANA
INTERIOR LOCAL GOV’T: MAYOR BENJAMIN ABALOS
JUSTICE: CONG. RODANTE MARCOLETA

LABOR AND EMPLOYMENT: TOOTS OPLE
PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS: CONG MERCADO
SCIENCE AND TECHNOLOGY: DR. CARLOS ARCILLA
SOCIOECONOMIC: DR ARSENIO
SPOKESPERSON: ATTY KAREN JIMENO
TRADE AND INDUSTRY MR. JOSE VELOSO
TRANSPORTATION: SEC ARTHUR TUGADE

280847163 2160516014106601 1930979960714132400 n

Ikinatuwa naman ng ilang netizens ang napiling mga gabinete ni Marcos.

“Sec. Art babalik muli para tapusin ang mga nasimulang project..” sabi ni Istian Mulawin.

“Prof. Carlos fits for foreign affairs. And happy for Sec. Art Tugade that he will continue as DOTR Secretary. Good job for brighter and stronger Philippines…. Sarap mahalin ng Pilipinas.” wika niĀ Melvin Manalastas.

“Ok naman lahat liban sa isang corrupt si mikey arroyo… ok si gma pero yung mag amang arroyo sadyang malala na pagka corrupt nun di na mababago!” komento ni Nilreb Lee Seyer Satyo.

Hindi pa kinukumpirma ng kampo ni Marcos kung totoo nga ba ang listahan.

Facebook Comments