Home Celebrities Andrea Brillantes, isinara ang comment section sa gitna ng boycott sa kanyang mga ine-endorse

Andrea Brillantes, isinara ang comment section sa gitna ng boycott sa kanyang mga ine-endorse

0

Isinara ng aktres na si Andrea Brillantes ang kanyang comment section sa publiko matapos siyang ulanin ng batikos dahil sa kanyang komento matapos ang eleksyon.

Matatandaan na binatikos ni Andrea ang mga botante sa gitna ng pagkatalo ng kanyang sinusuportahang kandidato na si Vice President Leni Robredo.

“Seriously people??? Nasan ang utak nyo???” tanong ni Andrea.

“Wala na akong pake sa respect my decision eme na yan! Sorry pero nakaka disappoint kayo! Hindi na tayo natuto!” dagdag niya pa.

Ilang mga netizens ang nangako na i-boycott ang lahat ng produkto na ine-endorso ni Andrea dahil sa tila “insulto” ang ginawang ito ng aktres.

Sa ngayon ay nakasara parin ang comment section ni Andrea, ngunit mapapansin na ang mga bagong post nito ay puro “haha” react ang natatanggap.

Naglabas naman ng pahayag si Andrea sa gitna ng nararanasan niyang pambabatikos mula sa mga netizens.

“Anumang ipukol sakin, kailanman ay hindi ko pagsisisihan na ako’y nanindigan.” ani Andrea.

“Para ito sa lahat. Para ito sa bayan. Sa huli, isang Pilipinas lang ang ating pinaglalaban.” dagdag niya pa.

Hindi naman malaman kung kakasa ito sa hamon ng blogger na si RJ “Thinking Pinoy” Nieto na inimbitahan siya sa isang diskusyon.

Sinabi naman ni Nieto na ang pambabatikos na natatanggap ni Andrea ay resulta ng pang-iinsulto nito sa desisyon ng mga botante.

Facebook Comments