Home Celebrities Andrea Brillantes, aalisin bilang celebrity client ng isang salon dahil sa komento niya

Andrea Brillantes, aalisin bilang celebrity client ng isang salon dahil sa komento niya

0

Isang salon owner ang nagpa-plano na tanggalin na bilang isa sa mga celebrity client nila ang aktres na si Andrea Brillantes dahil sa komento nito laban sa mga botante.

Sa kanyang komento, sinabi ni Mary Pauline Suson Danga-Obias ng Mary Pauline and Sir George Salon na tatawagan na nila ang ina ni Andrea upang ipaalam na hindi na nila isasama ang aktres sa kanilang mga kliyente.

Humingi naman sila ng tawad sa inasal ng kanilang kliyente.

“She was our client sa Mary Pauline and Sir George since 2018. WhenI read her comments, I asked my partner in Sir George Salon to call her mom, Mabellle and to drop her from our roster of celebrity clients. Nakakahiya itong ginagawa niya. In behalf of the Mary Pauline and Sir George Salon, our sincerest apologies.” sabi ng negosyante.

Ilang netizens naman ang ikinatuwa ang desisyon ng salon at sinabi na bibisitahin nila ito bilang pagpapakita ng suporta.

“San ba salon niyo, susugod na kami.” sabi ni Suroy Ta Bai TV.

“Riight move po. This is one of the best ways to teach these influencers/celebrity a lesson on how to respect the other’s decision. Sad to say, but so disappointed sa attitude niya.” ani Maria Teresa Carpio.

“Good decision po. 31M Filipinos might not patronize your product bcoz of what she did.” komento naman ni Martina Masangkay.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Andrea sa posibleng pagkakatanggal niya sa nasabing salon.

Facebook Comments