Home Celebrities Agot Isidro sa mga netizen: “Hintayin nyo maging 20 pesos ang bigas hanggang mamuti ang mata nyo!”

Agot Isidro sa mga netizen: “Hintayin nyo maging 20 pesos ang bigas hanggang mamuti ang mata nyo!”

0

Hindi napigilan maglabas ng sama ng loob ni Agot Isidro sa mga netizens na bumoto kay presumtive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang tweet, isinama ni Agot sa kanyang batikos ang mga pangako ni Marcos, kasama na ang pagpapababa nito ng presyo ng bigas.

“Kung Kailangan nyo ng tulong, ituturo ko kayo sa Malacañan. Kung Kailangan nyo ng pera, Singilin nyo yung tallano gold. Hintayin nyo maging 20 pesos ang bigas hanggang mamuti ang mata nyo. Walang kuryente? Sabihin mo magtayo ng windmill sa bakuran nyo.” ani Agot.

Ayon kay Karl Kendrick Chua, hepe ng National Economic and Development Authority (NEDA) ay posible namang maibaba ang bigas sa 20-30 kilo ngunit posible itong maging problema.

“If we are going to use taxpayers’ money solely to subsidize without conditions and without any productivity measures, then that’s a bad idea,” ani Chua.

Tinawag namang bansang nilamon ng social media ni Agot ang Pilipinas.

Matatandaan na ilang eksperto ang nagsabi na isa sa mga nagpanalo kay Marcos ay ang kasikatan nito sa social media

“Ang bansang nilamon ng Tiktok, FB at YouTube.” sabi pa ni Agot.

Isa si Agot sa mga pinakamasugid na tagasuporta ni Vice President Leni Robredo na mahigpit na katunggali ni Marcos sa politika.

Bigong manalo ang mga Kakampink ngayong eleksyon matapos silang tambakan ng mahigit 16,000,000 na boto ni Marcos.

Sinabi naman ni Agot na ngayon ay magiging palaban na siya matapos ang anim na taon niyang pagtanggap ng batikos mula sa mga “trolls”.

 

Facebook Comments