Hindi napigilan masupresa ang humanga ni Political Science Professor Clarita Carlos sa pagiging numero uno ng aktor na si Robin Padilla sa bilangan sa pagkasenador ngayon.
Ayon sa kanya ay kahit kulang ang naging preperasyon ng aktor sa kanyang pagtakbo bilang senador ay hindi ito bigong makuha ang puso ng mga botante.
“I was pleasantly surprised with Robin Padilla,” ani Carlos.
Naniniwala si Carlos na ang constitutional reform na isinusulong ni Padilla ang naging dahilan para manalo ito sa halalan.
“Ang galing niya, napanood ko siya noong ini-explain niya ‘yung tungkol sa federalism saka parliamentary government, he was amazing you know,” sabi pa ni Carlos na kilala sa kanyang magiging mahigpit na panelist sa SMNI debate.
“I think ‘yung mga nagmamaliit sa kanya na ‘artista lang’ I think we should listen to him explain why we need constitutional reform,” dagdag niya pa.
Tingin naman ni Carlos ay ito na ang tamang oras para isulong ang pagbabago ng saligang batas na noon pa isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ibinahagi din ng propesor na apat na dekada na silang nag iikot para isulong ang constitutional reforms.
Inaasahan naman niya na isusulong ng aktor ang Federalism sa susunod na administrasyon.
“Sana si Robin Padilla ay mag spearhead na talaga ng movement and really help us explain why we need constitutional reform,” wika ng propesor.
Dapat daw ay ibigay kay Padilla ang committee on constitutional reform sa senado na dating hawak ni vice presidential candidate Kiko Pangilinan.
Kasalukuyang nangunguna ngayon si Padilla na mayroon ng 26,425,264 na boto.