Home Netizen's Voice Opisyal ng gobyerno sa mga gustong mag-walk out sa klase: Naaawa ako sa mga magulang niyo

Opisyal ng gobyerno sa mga gustong mag-walk out sa klase: Naaawa ako sa mga magulang niyo

0

Hindi naitago ni Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs at the Department of Transportation (DOTr) Goddess Hope Libiran ang makisimpatya sa mga magulang ng estudyante na makikisali sa malawakang class walkout kung sakali na maupo na sa Malacanang si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Libiran na hindi niya maitago na maawa sa mga magulang na ginagawa ang lahat upang mapagtapos lamang ang kanilang mga anak at sa huli ay sasayangin lamang nila ito dahil sa resulta ng halalan.

“Naaawa ako sa mga magulang na sinakripisyo ang lahat, makapag-aral lamang ang kanilang mga anak. Mayroon dyan, mga nagsangla pa ng lupa pang-matrikula, o nagpapakakuba sa pagta-trabaho para may pambaon sa eskwela ang anak,” ani Libiran.

“Tapos malalaman nila na hindi pala ito papasok ng ilang araw o buwan nang walang pakundangan, dahil sa resulta ng halalan.” dagdag niya pa.

Nadismaya si Libiran sa kasalukuyang henerasyon ngayon dahil tila sinasayang nila ang edukasyon na ibinibigay sa kanila.

“Nakakalungkot. May ilang kabataan ngayon na sumusobra na. Samantalang noong nasa kolehiyo ako, ang iniisip ko lang, mag-aral nang mabuti nang hindi masayang ang paghihirap ng nanay at tatay ko, makapag-aral lang ako.” sabi pa ng opisyal.

Ilang netizens naman ang nagbigay din ng kanilang komento tungkol sa pagra-rally ng mga estudyante.

“Sa aking palagay huwag po tayong magsawa na pakiusapan sila na maghinay hinay sa bugso ng damdamin nila. Kabataan huwag nyong kalimutan may mga magulang kayong naghihintay at nananalangin sa inyong magandang kinabukasan. Magaral na lang kayo ng mabuti.” sabi ni netizen Agerico Angulo.

“Hindi kayo kailangan ng UP at humanap ng matinong mangangaral sa paglilingkod sa bayan ng Pilipinas.” wika ni Yusop Manga.

“Kawawa mga magulang nyong nag papa aral sa inyo. Wala pa man kayo mga nararating mga pasaway na kayo agad.” komento naman ni Dam Bu.

Matatandaan na iba’t ibang grupo mula sa mga Unibersidad ang hinimok ang mga estudyante na mag-walkout at huwag pumasok sa ilalim ng administrasyong Marcos.

READ MORE: Mga estudyante ng UP, hinimok na mag walk out: “No classes under a Marcos presidency!”

Ilan tuloy ang hiniling na ibigay na lamang ng mga estudyante magwalk-out ang kanilang slot sa mga gustong makapag-aral.

Facebook Comments