Home Social Media Manny Pacquiao, tinawag na “Pangulo” si Bongbong Marcos: “Ako’y nananalangin sa tagumpay ng inyong administrasyon”

Manny Pacquiao, tinawag na “Pangulo” si Bongbong Marcos: “Ako’y nananalangin sa tagumpay ng inyong administrasyon”

0

Tinanggap na ni presidential candidate Manny Pacquiao ang kanyang pagkatalo sa katunggali niya na si presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pacquiao na bilang isang atleta ay kaya niyang tanggapin ang pagkatalo niya sa halalan.

Ang hiling niya lamang ay sana’y maintindi ng susunod na pangulong Marcos ang mga mahihirap na kanyang ipinaglaban sa buong kampanya niya.

“Marunong ako tumanggap ng pagkatalo. Sana lang, kahit talo ako sa laban na ito, panalo pa rin ang mga kapwa ko Pilipino, ‘yung mga naghihirap,” wika ng pambansang kamao.

Bilang pagtanggap sa kanyang pagkatalo ay tinawag niyang “Pangulo” si Marcos at hiniling na sana’y maging matagumpay ang kanyang administrasyon.

“Sa ating susunod na pangulong Bongbong Marcos, ako’y nananalangin sa tagumpay ng inyong administrasyon na maraming mahihirap ang mai-angat ang buhay at matulungan,” aniya.

Nangako naman si Pacquiao na natalo siya ay ipagpapatuloy niya parin ang kanyang adbokasiya na tulungan ang mga nangangailangan.

“Hinding-hindi ko tatalikuran ang pagseserbisyo sa bayan at para sa mga kasama kong mahihirap,” ani Pacquiao.

Sa ngayon ay pangatlo si Pacquiao sa karera sa pagkapangulo at nakakuha siya ng 3,629,234 na boto.

Inaabangan naman ng kanyang mga tagasuporta kung ano ang magiging susunod niyang hakbang sa politika.

 

Facebook Comments