Nagbigay ng komento si Lolit Solis matapos tila hindi naging epektibo ang star-studded na pangangapanya ng isang kandidato.
Sa kanyang Instagram post, hinanap ni Lolit ang mga nasabing artista na tinawag niyang “ubog ng yabang” sa gitna ng kampanya ngunit bigong maipanalo ang kanilang sinusuportahang mga kandidato.
Ayon kay Lolit ay tila ang mga nasabing artista pa ang naging dahilan upang matalo ang kanilang kandidato.
“Gusto kong makita ngayon ang mga stars na ubod ng yabang sumuporta sa kanilang mga kandidato Salve,” panimula ni Lolit sa kanyang post.
“Gusto ko na makita paano nila tatanggapin na wala pala silang naitulong para manalo ang ini-endorse nila. Para bang isa pa sila sa naging minus factor dahil nga ikinainis ng tao ang yabang ng dating nila,” wika niya.
Ayon kay Lolit ay sana’y magsilbing aral ang naging resulta ng ahlalan upang maging mapagkumbaba at huwag umasta na sila lamang ang tama.
“Maging aral sana ito sa mga artista na bigyan ng dividing line ang role nila as showbiz at pagsali sa pulitika. Puwede na pinapanuod kayo sa rally, sinusundan ng mga tao, pero hindi nakikinig sa mga sinasabi ninyo.” aniya.
“Saka huwag masyadong righteous ang dating, masakit sa tainga, kainis. So ngayon dapat hinay hinay lang. Puwede suporta, pero huwag OA.” dagdag niya pa.
Si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sinuporahang kandidato ni Lolit.
Hindi man niya binanggit ang pangalan ng nasabing kandidato ay maaring si presidential bet Leni Robredo ang pinapatamaan nito.
Matatandaan na punong puno ng artista ang kada rally ni Robredo ngunit bigo parin itong matalo si Marcos.
View this post on Instagram
Sa ngayon ay mahigit 16,000,000 na boto ang lamang ni Marcos kay Robredo.