Home Celebrities Blogger kay Andrea Brillantes: “After insulting 60% of Filipinos, will they still buy what you endorse?

Blogger kay Andrea Brillantes: “After insulting 60% of Filipinos, will they still buy what you endorse?

0

Hinamon ng diskusyon ng blogger na si RJ “Thinking Pinoy” Nieto ang aktres at first-time voter na si Andrea Brillantes.

Matatandaan na sa sobrang pagkadismaya ni Andrea ay nagpakita ito ng pagdududa sa kapasidad ng utak ng mga bumoto kay presumtive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Seriously people??? Nasan ang utak nyo???” tanong ni Andrea.

“Wala na akong pake sa respect my decision eme na yan! Sorry pero nakaka disappoint kayo! Hindi na tayo natuto!” dagdag niya pa.

READ MORE: Andrea Brillantes, dismayado sa resulta ng halalan: “Nasaan ang utak nyo?”

Sa kanyang post, hinamon ni Nieto si Brillantes ng live discussion tungkol sa politika.

“Email me, Miss Andrea Brillantes, so we can schedule a live discussion. Aired on Facebook and YouTube live, ha? Don’t forget to bring some tissue. Thank you.” sabi ni Nieto.

Tinanong din nito si Brillantes kung may bibili pa ba ng mga produkto na kanyang ineendorso matapos insultuhin ang mga botante na hindi bumoto sa kanyang pambato na si Leni Robredo.

“Miss Andrea Brillantes, after insulting 60% of Filipinos, will they still buy what you endorse? Using your words, nasaan utak mo?” sabi niya.

Ilang netizens naman ang sinabi na i-boycott nila ang lahat ng ineendorsong produkto ng aktres.

“Ayan na, naamoy ko n ang boycott ng endorsed product,” sabi ni Janet Martin.

“She was our client sa Mary Pauline and Sir George since 2018. WhenI read her comments, I asked my partner in Sir George Salon to call her mom, Mabellle and to drop her from our roster of celebrity clients. Nakakahiya itong ginagawa niya. In behalf of the Mary Pauline and Sir George Salon, our sincerest apologies.” komento ni Mary Pauline Suson Danga-Obias.

“She is the one end up her carrer by insulting 31 millions Filipinos.. we will not buy and support the products she is endorsing.She is bad example.” wika Elaine Fanni.

 

Facebook Comments