Home Uncategorized Agot Isidro, may mensahe sa mga kritiko niya: “Hinding-hindi ako magugutom. Hindi ako malalaos”

Agot Isidro, may mensahe sa mga kritiko niya: “Hinding-hindi ako magugutom. Hindi ako malalaos”

0

Hindi nagustuhan ng aktres na si Agot Isidro ang pagkapanalo ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mayroong nakuhang mahigit 30,000,000 boto.

Sa kanyang mga tweet, makikita ang pagkadismaya ni Agot na isa sa mga pinaka-aktibong tagasuporta ni presidential bet Leni Robredo na tinambakan ng 16,000,000 boto ni Marcos.

“Ang hirap hirap mong ipaglaban, Pilipinas,” ani Agot.

Nagbigay din ito ng mensahe sa mga kritiko niya na sinusuportahan si Marcos at ipinagyabang nito na hindi siya magugutom kahit na ano pa ang kahinatnan ng bansa.

Kung may hihingi rin naman daw ng tulong sa kanya ay ituturo na lamang daw niya ito sa Malacanang.

“I have survived 6 years of trolling and bashing. This time, I won’t take it sitting down. Sa trolls, hinding-hindi ako magugutom. Not even in the next lifetime. Hindi ako malalaos kasi hindi ako sikat. Mukha akong matanda kasi matanda na ako. At least, Au naturel.” wika ng aktres.

“Kung Kailangan nyo ng tulong, ituturo ko kayo sa Malacañan. Kung Kailangan nyo ng pera, Singilin nyo yung tallano gold. Hintayin nyo maging 20 pesos ang bigas hanggang mamuti ang mata nyo. Walang kuryente? Sabihin mo magtayo ng windmill sa bakuran nyo.” dagdag niya pa.

Hiniling din ng aktres na sana’y bigyan ng oras para magdalamhati ang mga Kakampink sa kanilang pagkatalo.

Naniniwala din siya na hindi pa tapos ang laban.

“Give space to your grief, acknowledge it. Mabigat ang pinagdaanan natin. Umasa, pinaglaban, pinaghirapan. Pag handa na, muli balikan ang naramdamang pagmamahal, kabutihan, selflessness, pagkakaisa, pakikipagkapwa. Palakasin ang hanay. Di dito nagtatapos. Umpisa palang ito.” aniya.

Sa ngayon ay may libo libo ng reaction ang post sa Twitter ni Agot.

Facebook Comments