Home Politics Walden Bello, minura si BBM: “Marcos-Duterte will be lucky to survive one year!”

Walden Bello, minura si BBM: “Marcos-Duterte will be lucky to survive one year!”

0

Tila hindi pa sumusuko si vice presidential candidate Walden Bello at may maanghang itong mensahe sa nangunguna ngayong kandidato sa halalan na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang pahayag, minura ni Bello si Marcos at sinabi na nag-uumpisa pa lamang ang laban.

“F*** you Marcos. The battle has just begun.” ani Bello.

Naniniwala si Bello na anim na taon na magkakagulo sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Sinabi rin nito na hindi magtatagal ng isang taon ang tambalang Marcos at ka-tandem nitong si vice presidential candidate Sara Duterte dahil mag-aagawan daw ito sa kapangyarihan.

“The country faces six years of instability under the coming regime. Being an alliance of convenience, the Marcos-Duterte dynastic duo will be lucky to survive one year before it is undone by the inevitable infighting over the spoils of office,” aniya.

“A large sector of the population will refuse to grant legitimacy and credibility to the rule of a family of thieves. The Government bureaucracy is likely to split, as will the military. An electoral base built on the illusion of Marcos delivering on his promising everything under the soon will soon generate disappointment and, after that rage.” dagdag niya pa.

Hinimok naman ni Bello ang kanyang mga “comrade” na mag “organize” at huwag magdalamhati sa pagkapanalo ni Marcos.

Sa ngayon ay nag concede na ang ka-tandem ni Bello na si presidential candidate Ka Leody de Guzman kay Marcos.

“May ganun din akong pagtanggap na magkakahirapan pero sa buong eleksyon na ito ay magkaroon pa ng malaliman at mahabang kampanya para sa mga katulad ko na ipaliwanag sa mamamayan na hindi pwede talaga maasahan ang mga trapo, mga political dynasties, ang mga bilyonaryong pulitiko,” ani de Guzman.

Facebook Comments