Inihalal muli ng mga residente ng Narra, Palawan ang kanilang alkalde na isang magsasaka na sinuspinde ng 20 buwan.
Tinalo ni Gerardy “Astronaut” Danao ang kanyang katunggali na si Prince Demaala sa nangyaring halalan sa nasabing munisipalidad.
Nakakuha ng 20,272 si Danao habang ang katunggali naman nito ay nakakuha lamang ng 16,365.
Matatandaan na nakilala si Danao noong 2016 dahil sa tinapos niya ang tatlong dekadang paghahari ng pamilya Demaala sa Narra.

Ilang beses nag-viral sa social media ang alkalde dahil sa naging simple parin ito kahit na nakuha niya na ang pinakamataas na posisyon sa kanyang munisipalidad.
Ngunit hindi naging madali ang pagiging alkalde ni Danao lalo na’t marami itong naging katunggali sa kanilang munisipyo.
Noong 2020 ay sinuspinde ng Gobernador ng Palawan na si Jose Alvarez si Danao ng 20 na buwan dahil diumano sa hindi otorisado nitong pagpirma sa isang sabungan.
Bumoto ng 13-0 ang mga provincial board laban kay Danao.
Naging 14 months na lamang ang suspensyon ng alkalde matapos itong humingi ng tulong sa Office of the President.
Matatandaan na nagsampa din ng kaso laban sa dating mayor ng Narra na si Lucena Demaala, Vice Mayor Crispin Lumba, at ilang konsehal ng nasabing munisipalidad.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Danao sa kanyang muling pagkakahalal bilang alkalde ng Narra.