Home Celebrities Frankie Pangilinan: “I’m not going to have my President be name Marcos again!”

Frankie Pangilinan: “I’m not going to have my President be name Marcos again!”

0

Nakisali ang anak ni vice presidential candidate Kiko Pangilinan na si Frankie sa rally ng mga kumokontra sa resulta ng halalan.

Ginanap ang nasabing rally sa harapan ng Palacio del Gobernador na opisina ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa panayam sa kanya, tila nagpahiwatig na si Frankie na siya’y aalis na ng bansa dahil pagkapanalo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kasi sa kanya ay hindi na siya papayag na ang magiging pangalan ng kanyang presidente ay Marcos.

“I’m not going to have my president be named Marcos again!” ani Frankie. “Sabi ng iba na we have to accept defeat daw na hindi tayo marunong matalo. I think that the truth is, it’s not just about this election anymore… I am not going to have my president be nameed Ferdinand Marcos again! Ever!…”

“We all know what’s right and wrong.. If we are not here to stand up, if we are not here to fight, eh di ano pa ginagawa natin dito sa Pinas?” dagdag niya pa.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng reaksyon sa sinabi ni Frankie.

“Si kakie, mayaman yan. pwedeng pwede umalis ng bansa pag nagkaloko loko dito. and yet naninindigan sya para sa mga taong hindi afford makalayas sa lintek na bansang to. at yung mga ipinaglalaban nyang mga tao, yan pa ang mangbabash sa kanya. the irony talaga. ang hirap sikmurain,” sabi ni @iamannanyme.

“Kala nyo kayo ang may-ari ng Pilipinas. Respect the result of this democratic process of choosing the new leaders! Di kayo ang pinili ng demokrasyang pagpapasya, igalang mo. Kaya kayo mahirap mahalin kc ang yayabang nyo.” wika ni @ulyssisJohn.

“At para sa mga nagsasabi na “wag kayong magalit sa 30M na bumoto sa BBM”, ok, sorry. Ang hirap talaga. Give us the chance to be angry, to grieve. Some of those 30M, nabili ang boto, matindi pangangailangan, ok. Yun iba, they didn’t know any better, fault ng education system,ok.” komento naman ni @m_si_kap.

Matatandaan na tinambakan ni Marcos Jr. ang katunggali niya na si Leni Robredo ng mahigit 16,000,000 na boto habang ang ama ni Frankie ay tambak ng mahigit 22,000,000 na boto.

 

Facebook Comments