Home Celebrities Dating ‘Goin’ Bulilit’ na si John Manalo, nagdalamhati sa pagkapanalo ni BBM: “Wala talagang kwenta ang edukasyon sa Pilipinas!”

Dating ‘Goin’ Bulilit’ na si John Manalo, nagdalamhati sa pagkapanalo ni BBM: “Wala talagang kwenta ang edukasyon sa Pilipinas!”

0

Hindi maitago ng dating cast ng ‘Goin’ Bulilit’ na si John Manalo ang pagkamuhi matapos makakuha ng mahigit 30,000,000 boto ang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang Instagram post, halata ang pagkadismaya ni John sa kalidad ng edukasyon sa Pilipinas na maaring naging dahilan kung bakit nakabalik sa kapangyarihan ang mga Marcos.

“Nakakakilabot. Nakakagalit. Nakakasuka. Nakakadiri.” ani John. “Patunay na wala talagang kwenta ang edukasyon sa Pilipinas.”

“Kinahon ang mga utak. Para mapaglaruan. Minanipula. Ang mga mangmang ay nanatiling mangmang. Ang mahihirap ay mananatiling mahihirap. Ang mayayaman ay mas lalong yayaman.” dagdag niya pa.

Nagbigay din ito ng mensahe para sa inang bayan at sinabing “nakakaawa” ito.

“Binabaoy ka lang ng mga anak mo. Hindi kalaban ang mga may pake. Hindi katunggali ang may malasakit.” aniya.

“Ang sakit lang mag mahal sa bansang ito. Para bagang parte ng kaning kinamay at napansin. Damay damay lahat.” dagdag niya pa.

Nakakuha naman ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang post ni John.

“Kapag may mga tao na gaya mo mag-isip para sa bansa. Hindi kayo makaka tulong at kayo mismo ang nakakasira sa Bansang sinilangan natin lahat. Matuto na sana kayong tumanggap ng pagkatalo at sumuporta sa pagbabago at pag-unlad ng Bansang pilipinas.” sabi ni Xris Chavez.

“Hindi nakakaawa ang Inang Bayan. Kung ang buhay mo ay nakatuon lang sa sinusuportahan mo, MAS KAWAWA KA. Anu mang kulay ang ni represents ng bawat isa nitong eleksyon, tandaan mo iisang kulay parin tayo! Ngayon, kung isusuka nyo ang Bayan dahil natalo ang gusto nyo, maluwag ang bansa. Umalis kayo dito. Pero tandaan nyo. Dito parin kayo babalik.” komento ni Chelle Bulusan.

 

Facebook Comments