Home Celebrities Cesar Montano, nakiusap na bigyan ng pagkakataon si Robin Padilla: “It’s unfair to judge him now”

Cesar Montano, nakiusap na bigyan ng pagkakataon si Robin Padilla: “It’s unfair to judge him now”

0

Nakiusap ang aktor at dating Chief Operation Officer (COO) ng Tourism Promotions Board na si Cesar Montano sa mga netizens na bigyan muna ng pagkakataon si senatorial candidate Robin Padilla.

Kasalukuyang nangunguna ngayon si Padilla sa bilangan at nakakuha ito ng 26,330,043 na boto mula sa mga Pilipino.

Sa kanyang Facebook post, hinimok ni Montano ang mga netizens na i-respeto ang desisyon ng mga botante na ihalal si Padilla bilang susunod na senador.

Ibinahagi din ni Montano kung paano tumulong ang kanyang kaibigan sa mga nangangailangan kahit na wala itong posisyon sa gobyerno.

“Naniniwala po ako na marami pong maitutulong si Sen Robin sa bansa natin. I saw him how he helped and supported the needy & under-privileged filipino people several times noong sya po ay isang simpleng artista lamang. I am a living witness.” ani Montano.

“Hindi lang po nya ugali ang ipag-ingay sa media kapag tumutulong sya. Unless other people do it for him. But he doesn’t toot his own horn. Sa simpleng pagkatao nya, alam nya ang tunay na problema ng mga pilipinong mabababa at hirap. At may solusyon si kapatid na Sen Robin sa mga ito.” dagdag niya pa.

Ikinumpara rin niya si Padilla sa ilang senador na matatalino nga ngunit hindi naman nakatulong sa mga nangangailangan.

“We all know we had senators from past & even present, matatalino at mga abogado pa ang iba. Pero walang ginawa kundi mamulitika & all selfish ambitious agenda. Pinagsisihan natin ang pagboto sa kanila.” wika ng aktor.

“Maliwanag po na hindi lamang katalinuhan o diploma ang hinahanap nating katangian para sa ating mga karapatdapat na senador sa ating bansa. Kundi may tunay at ginintuang puso para sa karapatan ng mga mamayang Pilipino.Lalu na para sa mga inaaping mga manggagawa, mangingisda, at mga magsasaka.” sabi niya pa.

“Hintayin lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin. It’s unfair to judge him now.”

Nagpasalamat naman si Padilla kay Montano.

Facebook Comments