Hindi naitago ni Andrea Brillantes ang kanyang pagkadismaya sa resulta ng halalan kung saan tinambakan ang kanyang sinusuportahan na si presidential candidate Leni Robredo ng kanyang katunggali na si presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mahigit labing-limang milyong boto.
Sa kanyang mga Instagram post, tinanong ni Andrea ang mga botante kung nasaan ang utak nila matapos maging talunan ang kanyang manok sa halalan.
“Seriously people??? Nasan ang utak nyo???” tanong ni Andrea.
“Minsan mapapa wtf ka nalang talaga,” sabi pa niya.
Wala na rin daw pakialam si Andrea sa mga nagsasabi na dapat ay i-respeto ang resulta ng halalan.
“Wala na akong pake sa respect my decision eme na yan! Sorry pero nakaka disappoint kayo! Hindi na tayo natuto!” sabi pa ni Andrea na first-time voter.
Hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang mga tweet ni Andrea.
“Nag uumpisa na akong mairita sayo be.” wika ni @wadesrjuco.
“Tapusin mo muna module mo bago k makisawsaw sa pulitika. Bata bata mopa wla kpa masyado alam s politika.” sabi naman ni @renzo550577441.
nag uumpisa na akong mairita sayo be pic.twitter.com/LDWaRBkcnH
— wade (@wadesrjuco) May 9, 2022
Matatandaan na naging usap usapan si Andrea dahil sa kanyang pagsuporta kay Robredo at sa pagsubok nito na himukin ang kanyang boyfriend na si UP Basketball star Ricci Rivero na maging Kakampink.
Tila naging matagumpay naman ang pagkumbinsi ni Andrea sa kanyang nobyo na kilalang tagasuporta ng mga Marcos.
Sa ngayon ay nakakuha ng 31,007,115 si Marcos habang 14,781,710 lamang si Robredo na sinuportahan hindi lang ni Andrea, kundi ng mga celebrities na mayroong libo hanggang milyong followers sa social media.