Home Celebrities Vicky Morales may komento tungkol sa eleksyon: “Hindi na kailangan maglatag ng plataporma sa mga debate”

Vicky Morales may komento tungkol sa eleksyon: “Hindi na kailangan maglatag ng plataporma sa mga debate”

0

Nagbigay ng reaksyon ang GMA reporter na si Vicky Morales sa gitna ng panayam niya kay Professor Ranjit Rye ng OCTA Research.

Sa pangunguna ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa bilangan sa pagkapangulo ay sinabi ni Morales na maaring ang pagkapanalo ng dating senador ay maaring magpabago sa kung paano naipapanalo ng mga kandidato ang eleksyon sa bansa.

Ayon kasi kay Morales ay hindi na kailangan pa ng mga kandidato na dumalo sa mga debate upang makuha ang boto ng mga Pilipino.

“This rewrites, basically this elections written the way election are won in this country,” ani Morales. “Hindi na kailangan maglatag ng plataporma sa mga debate, hindi na kailangan mag grant ng mga interview.” 

“Kailangan mo lang siguro ng tanyag na apelyido, solid yung machinery mo, yung social media, and maybe yung long history politics,” dagdag niya pa.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa sinabing ito ni Morales.

“Hmmm. I mean its your job as a journalist to deliver unbiased news… Morales has really good points, but then again, its the people who decide, not the elite few.” sabi ni @the_guy_bry.

“Hahahaha! Really? Did BBM has not attend any debates eversince this campaign started? Try to search it on YT pls! And dont tell us that It was taped and the debate itself was under his camp.Youve been bragging that BBM hasnt state any of his platforms thats what youre insisting,” wika ni @unparalledgrl.

“She’s angry about how politics works here in the Philippines, they way filipino people lean in ‘political dynasty’ more than actual achievements and degrees. I am actually disappointed too. After all that fighting, EDSA people power, and people’s rights. ALL DOWN IN THE DRAIN.” komento naman ni @pahabilin.

Wala pang tugon ang kampo ni Marcos sa sinabi ni Morales.

Facebook Comments