Home Celebrities Pokwang may reaksyon sa gitna ng bilangan: ” mag babagahe na me pa punta sa napaka gandang isla at magbabakasyon!”

Pokwang may reaksyon sa gitna ng bilangan: ” mag babagahe na me pa punta sa napaka gandang isla at magbabakasyon!”

0

Tila tanggap na ng komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang ang resulta ng halalan.

Sa kanyang mga post sa social media sa gitna ng bilangan, nagbigay ng suporta si Pokwang sa kanyang sinuportahang kandidato na si presidential candidate Leni Robredo na kasalukuyang tinatambakan ngayon ng katunggali niya na si presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“This is it… hindi po ako nagsisi na sinuportahan kita, at kahit kailan di ko ikahihiya na sinuportahan ko ang isang Leni Robredo thank you po at hinayaan nyo akong maging parte ng iyong journey, may mga nayakap at nakausap na tao nadagdagan ang kaibigan sa maiksing panahon ng mga rallies na nakasama ako, isang nakakapagod ngunit masayang experience kasama mga nagmamahal sayo  salamat po @bise_leni God bless you at buong pamilya,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Sa kanyang tweet naman ay sinabi ni Pokwang na ibubuhos niya nalang ang kanyang araw matapos ng halalan sa pagbabakasyon sa isang magandang isla.

“Talaga ba may something??? hala???? ok goodnight mag babagahe na me pa punta sa napaka gandang isla at magbabakasyon, kakalma at hihinga ng sariwang hangin at kakain ng masarap na sashimi,” sabi ng komedyante.

“Kailangan mag bawas ng bigat nak ipapaanod ko sa dagat lahat at ibubulong sa matayog na bundok ang sakit.” dagdag niya pa.

Isa si Pokwang sa mga pinaka aktibong supporter ni Robredo sa social media at dahil dito ay hindi siya nakaiwas sa pakikipagtalo kahit sa mga kapwa niya artista at kasamahan sa GMA.

Facebook Comments