Home Netizen's Voice MMDA traffic czar Edison Bong Nebrija, nabwisit sa magulong sistema ng botohan: “Bukas na lang ako boboto!”

MMDA traffic czar Edison Bong Nebrija, nabwisit sa magulong sistema ng botohan: “Bukas na lang ako boboto!”

0

Gigil na gigil si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic czar Edison Bong Nebrija dahil sa diumano’y hindi maayos na sistema ng botohan sa kanyang voting precinct.

Sa kanyang mga post sa Facebook, makikita na 6:34 AM pa lamang  ay nagrereklamo na si Nebrija dahil sa hindi parin nag uumpisa ang botohan sa kanyang presinto sa Project 3, Elementary School.

“First in line but still voting has not started yet because of faulty voting machine, time now is 6:34AM. Outside temperature still tolerable but this could get very uncomfortable later on the day. The sacrifice we make to practice our rights of suffrage. Next time siguro by mail na lang.” sabi sa unang post ni Nebrija.

Sa ikalawang post niya ay umabot na ng 7:00 AM ngunit hindi parin nag uumpisa ang botohan dahil daw sa sirang vote-counting machines (VCM) SD Cards.

“Oh Lord please help us! VCM SD Cards (both primary and back up) are corrupted now they are distributing waivers for those who want to vote without physically casting it in the machine. I’ve been voting since 2013 and just when you thought we have perfected automated election, then this happen. Wow just wow!” reklamo ng opisyal.

Matapos ang isang oras na paghihintay ay naglabas muli ng post si Nebrija at sinabi na hindi parin gumagana ang mga VCM at nakapila parin ang mga tao.

Ayon sa kanya ay pinapaboto na ang mga tao ngunit pinapapirma sila ng waiver dahil hindi pa maipapasok sa VCM ang kanilang mga balota.

“It’s already 8:00 am exactly 2 hours after polling places have opened. Still no VCM and all voters casting their votes are those who signed waivers. This is messed up Comelec!
National Election tapos waiver waiver lang. Are you serious? Latest feedback manggagaling pa raw Sta Rosa Laguna SD Cards. Oh well goodluck to all of us!” wika ni Nebrija.

Dahil dito ay walang nagawa si Nebrija kundi umuwi na lamang matapos ang ilang oras na paghihintay dahil sa magulong sistema sa kanyang presinto.

“I’m leaving, to hell with you Comelec for wasting my time! Biruin mo may back up na SD cards pero di pala pwedeng gamitin. What kind of system is that? It’s as good as no back at all. Bukas na lang ako boboto!” aniya.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang Commission on Elections (COMELEC) at Smartmatic sa tila pumapalpak nilang mga VCM.

Facebook Comments