Home Celebrities Mike Enriquez, napagkamalan si Helen Gamboa na asawa ni Kiko Pangilinan

Mike Enriquez, napagkamalan si Helen Gamboa na asawa ni Kiko Pangilinan

0

Nakakuha ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang tila pagkakamali ng beteranong mamamahayag na si Mike Enriquez habang ibinabalita niya ang tungkol sa pagboto ni vice presidential candidate Kiko Pangilinan kasama ang kanyang asawa na si Megastar Sharon Cuneta sa Inchican Elementary School, Silang Cavite.

Sa kanyang report kasi ay imbis na si Sharon ang kanyang mabanggit ay ang asawa ni vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto na si Helen Gamboa-Sotto ang nasambit nito na asawa daw ni Pangilinan.

“Mga Kapuso inyo pong napapanood ang pagboto ni Senador Francis Pangilinan na isa sa mga kandidato para sa pagkabise presidente ng Pilipinas,” ani Enriquez.

“At tulad po ng naiulat natin kanina ay kasama niya pong dumating sa presintong yan ang may bahay na si Ms. Helen Gamboa,” dagdag niya pa.

Si Gamboa ay kamag-anak ni megastar.

Hindi naman mapigilan ng ilang netizen na matawa sa nasabing report.

“Mike time to take a break or better retire you’re giving wrong info on nationwide news,” sabi ni Vasquez Leslie.

“Haha nagulat nga ako nung narinig ko yan..” komento naman ni Katrial Llamas.

Ilang netizen naman ang ipinagtanggol ang mamamahayag dahil sa maaring pagod lamang ito.

Matatandaan na kababalik pa lamang ni Enriquez sa kanyang trabaho matapos ang ilan buwan niyang pamamahinga dahil sa pagpapagamot niya.

Facebook Comments