Hinimok ng University of the Philippines student regent ang mga estudyante ng kanilang unibersidad na huwag pumasok sa kanilang mga klase.
Ito ay sa gitna ng posibleng pagkapanalo ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halalan 2022.
Tinawag na “pandaraya” ng student regent ang nangyayaring eleksyon ngayon.
“Tapat tayong lumahok sa eleksyon. Ngunit, pandaraya at paglabag sa batas ang sagot ng administrasyon. Hindi tayo papayag na pamunuan tayo ng mga magnanakaw at mamamatay-tao.” sabi ng grupo sa kanilang pahayag.
“COMELEC ACCOUNTABILITY, NO CLASSES UNDER A MARCOS PRESIDENCY. UP STUDENTS, WALK OUT!” dagdag pa nila.
Magsasagawa rin ng rally ang ilang grupo sa mga opisina ng Commission on Elections (COMELEC) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ilang netizens naman ang hindi napigilan na batikusin ang pahayag ng UP Student Regent.
“Ok na yan tanggalin na mga scholarship dyan. Sayang pera. Tapos kunin lahat ng names mga nakisali at i blacklist sa lahat ng schools,” sabi ni netizen @bigshockd.
“PLEASE RESPECT DEMOCRACY, BBM IS PEOPLE’S CHOICE. ACCEPT DEFEAT TO MOVE ON. YOUR ACTION MAY GIVE BBM THE REASONS TO DO THINGS “WORSE” THAN WHAT YOU CAN IMAGINE,” ani Efrain Servento.