Home Social Media Leni Robredo, tumangging sumuko: “Hindi pa tayo tapos, nagsisimula pa lang tayo”

Leni Robredo, tumangging sumuko: “Hindi pa tayo tapos, nagsisimula pa lang tayo”

0

Tila hindi pa handang mag concede si presidential candidate Leni Robredo kahit na tinambakan na siya ng kanyang katunggali na si presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Robredo na masasayang lamang ang kanilang kampanya kung hindi nila ipagpapatuloy ang kanilang ipinaglalaban.

Maituturing lang na bigo ang kampanya natin kung hahayaan nating malusaw ang nabuo nating samahan. Kaya sinasabi ko sa inyo ngayon, walang nasayang. Hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga, hindi pa tayo tapos, nagsisimula pa lang tayo,” wika ni Robredo.

May nasimulan tayong hindi pa kailanman nasasaksihan sa buong kasaysayan ng bansa: isang kampanyang pinamunuan ng taong bayan,” dagdag niya pa.

Hinimok ni Robredo ang kanyang mga tagasuporta na ituloy ang kanilang ipinaglalaban.

Tuloy ang trabaho ko para iangat ang buhay ng mga nasa laylayan. Tinatawag ko kayong samahan ako dito at sa iba pang mga laban kakailanganin ng bansa ang inyong patuloy na pakikilahok,” sabi pa ng bise.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi rin ni Robredo na hindi pa tapos ang bilangan at hindi pa tapos ang laban sa korapsyon kaya’t hindi pa tapos ang kanilang laban.

Hindi pa tapos ang laban… Ipagpatuloy natin ang mga naumpisahan para iangat ang buhay at kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda, at ng lahat ng nasa laylayan kahanay man o hindi,” aniya.

Matatandaan na nasa mahigit 15 milyong boto ang lamang ni Marcos kay Robredo.

Sa ngayon ay bigo ring makaabot ang ka-tandem ni Robredo na si Kiko Pangilinan sa katunggali nito na si Sara Duterte na mayroong mahigit 21 milyong botong lamang.

Sa senatorial slate naman ni Robredo ay si reelectionist Sen. Risa Hontiveros lamang ang kasalukuyang nakapasok sa magic 12.

Ilang tagasuporta naman ni Robredo nag nagbabalak na mag-rally upang ipakita ang pagtutol nila sa resulta ng halalan.

Facebook Comments