Home Celebrities Hindi VIP! Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, mas piniling pumila para makaboto

Hindi VIP! Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, mas piniling pumila para makaboto

0

Nagtyaga na pumila ang mag-asawang vice presidential bet Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta sa kanilang pagboto sa kanilang presinto sa Inchican Elementary School sa Silang Cavite.

Sa report ng PTV, makikita si Pangilinan at Cuneta na hindi tumanggap ng kahit anong VIP treatment at mas pinili na pumila at maghintay upang maibigay ang kanilang boto.

Ayon kay Pangilinan ay mas pinili nila na maging “normal na botante” kaysa sa makatanggap ng VIP treatment upang makaalis kagad sila sa nasabing presinto.

Mahigit tatlong oras pumila ang mag asawa bago sila makaboto.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa balitang ito tungkol kay Pangilinan at Cuneta.

“Dapat ang VIP, Senior at PWD,” sabi ni netizen Ian Carlo.

“Gaya ng “normal” na botante? may abnormal po ba?” tanong ni Asdas Wilkins.

Dapat lang pumila ka, di ka pa naman senior para i-priority ka!” komento naman ni Rhamilene El Deezy.

Tumatakbo si Pangilinan sa ilalim ng oposisyon na pangunguna ni presidential candidate Leni Robredo.

Facebook Comments