Home Social Media Ginang sa Trece Martires, Cavite nagreklamo: Bakit si Leni at Kiko ang lumabas sa resibo ko?

Ginang sa Trece Martires, Cavite nagreklamo: Bakit si Leni at Kiko ang lumabas sa resibo ko?

0

Isang ginang ang gigil na gigil habang ikinukwento ang diumano’y maling kandidato na lumabas sa kanyang resibo matapos bumoto.

Sa isang video na ibinahagi ni Arthuz Ramos III, makikita ang ginang na nagbiyahe pa mula sa Maynila papunta sa kanyang presinto sa Trece Martires City, Cavite habang ikinukwento ang diumano’y iregularidad na nangyari habang siya ay bumoboto.

“Pagkabasa ko ang presidente ko ay si Leni ang vice ko ay si Kiko,” kwento ng ginang. “Sabi ko ‘bakit ganito ang lumabas, hindi ito ang gusto ko?’ hindi nalang mag eleksyon kung ganyan,”

Agad diumano siyang pumunta sa pulis upang ireklamo ang nangyari.

“Nagbiyahe ako ng malayo, bakit nila ako ginanon?” wika pa ng ginang.

Ipinakita din ng ginang ang resibo na diumano’y may iregularidad.

Sa ngayon ay mayroon ng libo libong shares sa social media ang nasabing post.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang Commission on Elections (COMELEC) tungkol sa nangyari.

Matatandaan na hindi lamang ito ang unang reklamo ng maling paglabas ng kandidato sa resibo ng vote-counting machine (VCM).

Kanina lamang ay may nagreklamo din na isang residente ng Narvacan, Ilocos Sur dahil sa mali ring kandidato ang lumabas sa kanyang resibo.

READ MORE: Botante sa Ilocos Sur, nagreklamo matapos lumabas si Robredo sa resibo kahit na si BBM ang ibinoto niya

Sa ngayon ay patuloy na iniimbistagahan ng mga Board of Election Inspectors (BEI) ang pangyayari.

 

Facebook Comments