Home Social Media Botante sa Ilocos Sur, nagreklamo matapos lumabas si Robredo sa resibo kahit na si BBM ang ibinoto niya

Botante sa Ilocos Sur, nagreklamo matapos lumabas si Robredo sa resibo kahit na si BBM ang ibinoto niya

0

Napupuno ngayon ng tensyon sa Narvacan, Ilocos Sur matapos magreklamo ang isang botante tungkol sa diumano’y maling lumabas na kandidato sa kanyang resibo.

Opisyal na nagreklamo sa Narvacan PNP ang botante na si Reymar Racacho, 50 anyos at residente ng Barangay Quinarayan Narvacan dahil sa diumano’y si presidential candidate Leni Robredo ang lumabas sa resibo sa vote-counting machine (VCM) kahit na ang kanyang binilugan sa balota ay si presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kumpirmado naman na botante si Racacho ayon sa precinct finder ng COMELEC.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Board of Election Inspectors (BEI) at ng Commission on Elections ang reklamo ni Racacho.

“Complainant revealed that he voted for Ferdinand Bongbong Marcos as president on his official ballot. After submission to the BEI and went through the VCM, the result of his vote appearing on the printed receipt for president was Leni Robredo. This prompted him to report the same at the BEI. Evaluation from the BEI and COMELEC is now ongoing.” ayon sa mismong report ng kapulisan.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang COMELEC sa nasabing reklamo.

Mahigpit namang binabantayan ng mga Ilocos Sur ang nasabing reklamo lalo na’t karamihan sa kanila ay tagasuporta ni Marcos.

 

Facebook Comments