Dahil sa hirap ang paghahanap ng bus nitong Mayo 7 dahil sa miting de avance ng iba’t ibang kandidato sa pagkapangulo ay ilang tagasuporta ni Leni Robredo ang napilitan na makisakay sa ilang free shuttle service na para sa mga tagasuporta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Matatandaan na hirap makasakay ng public transpo ang mga dumalo sa miting de avance na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng kamaynilaan dahil sa karamihan sa mga bus ay inarkila ng mga kandidato.
Sa isang video, makikita ang pagsakay ng ilang Kakampink sa bus na puno ng mga tagasuporta ng UniTeam.
Hindi naman nagdalawang isip ang mga maka-BBM na pasakayin ang mga Kakampink kahit na mainit ang kanilang pagtatalo sa social media dahil sa kanilang mga kandidato.
“Sakay dali!” maririnig na sinasabi ng mga tagasuporta ni BBM sa mga Kakampink.
Hindi naman nakalimutan magpasalamat ng mga tagasuporta ni Robredo dahil sa kabutihan na ipinakita sa kanila ng mga maka-UniTeam.
May ilan pa na sumakay na nagbiro na magiging BBM na sila dahil sa kabutihan na ipinakita sa kanila.
“Ito ang tunay na pagkakaisa kahit kakampink sila huminto yung sinasakyan naming free bus shuttle ni BBM para pasakayin sila,” sabi ng uploader ng video.
@jembee09 Ito ang tunay na pagkakaisa kahit kakampink sila huminto yung sinasakyan naming free bus shuttle ni BBM para pasakayin sila #SARA #BBM #uniteam #eleksyon2022 ♬ original sound – Jembert T. Peñaloga
Ilang netizens naman ang natuwa sa nasaksihan nilang pagkakaisa ng magkabilang partido.
“Kahit anong kulay ka, Pilipino parin kayo,” sabi ni netizen giemarmartes.
“Diba.. kay sarap sa pakiramdam ng di nag babangayan kahit magkaiba ng paniniwala sa politika..” wika ni stopmotion.
“Kung nauunawaan lng ng iba n pgkkaisa at respeto db ang saya n ng mgkksama tayo mga pilipino,” komento naman ni Daniel Kirt Antonio.